December 13, 2025

Home BALITA National

Mga pinetisyon ng indirect contempt, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema

Mga pinetisyon ng indirect contempt, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema
Photo courtesy: via MB/Balita

Inatasan ng Korte Suprema sina Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon, Akbayan party-list Representative Perci Cendaña at political analyst Richard Heydarian na ipaliwanag ang kanilang panig kaugnay ng inihaing petisyon para sa indirect contempt laban sa kanila.

Matatandaang ang petisyon ay inihain nina Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Kristopher Tolentino, at Atty. Rex Suplico, bunsod umano ng mga naging pahayag nina Gadon, Cendaña, at Heydarian na tumutuligsa sa desisyon ng SC kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyan ng sampung araw ang tatlo upang isumite ang kanilang sagot sa Korte.

Kaugnay nito, hindi pinatulan ni Topacio ang hamong "one-on-one voice and singing competition" sa kaniya ni Gadon noong Miyerkules, Hulyo 30.

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Ani Topacio, kaibigan niya si Gadon subalit hindi niya raw papatulan ang kakaibang hamong ito. Hindi raw kasi "lauhing matter" ang ginawa nitong pagtawag na "tuta" ng mga Duterte ang Kataas-taasang Hukuman.

"Kaibigan ko yan si Atty. Gadon, in fact, lagi kaming nagko-concert n'yan. But, kasamang Larry, this is no laughing matter. I am the officer of the court."

"Isang katungkulan ko ang maipagtanggol ang karangalan at reputasyon ng ating Kataas-taasang Hukuman," ani Topacio sa isang panayam sa media habang nasa Korte Suprema.

Sa kabilang banda, sinabi ni Topacio na sana raw, mapanatili nilang dalawa ang pagkakaibigan.

"I'm sorry. I hope we can still be friends. Sa akin this is nothing personal, this is part of my duty as an officer of the court, I have to do this. I hope you understand," anang Topacio.

"Alam ko kung ikaw ay abogado pa rin hanggang ngayon at ako ang gumawa nito, if the situation were reversed, you would have done the same thing. Pero kung gusto mo magkantahan, walang problema sa akin. Passion natin 'yan, kasamang Larry."

KAUGNAY NA BALITA: Topacio, di pinatulan ang hamong singing competition ng kaibigan niyang si Gadon