December 13, 2025

Home BALITA National

Mga nasabugan ng compressor sa Tondo, walang babayaran sa ospital—DOH

Mga nasabugan ng compressor sa Tondo, walang babayaran sa ospital—DOH
photo courtesy: MPD, DOH

Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na wala nang dapat bayaran sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) ang anim na biktima ng pagsabog ng isang air compressor sa Tondo, Maynila noong Linggo, Agosto 3. 

Alinsunod daw ito mandato ni Pangulong Bongbong Marcos na "Bayad na Bill Mo Program" o "Zero Balance Billing" sa basic accommodation ng DOH hospitals.

Ayon sa DOH, "tatlo sa mga biktima ang sumailalim na sa operasyon at nagpapagaling sa surgical intensive care unit, habang ang isa naman ay nasa surgical ward at naka-schedule na ma-operahan dahil sa facial injury mula sa pagsabog."

"Pinakabata sa mga nasabugan ang 14-anyos na lalaki na nagtamo ng traumatic brain injury, multiple fractures sa magkabilang binti, matinding pinsala sa kanang braso, at mga galos mula ulo hanggang dibdib. Dalawa naman sa mga nasabing nasugatan ang nakauwi na matapos na magtamo ng mild injuries," dagdag pa ng ahensya.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Matatandaang sumabog ang naturang air compressor sa kanto ng Dagupan at Tayuman street sa Maynila, kung saan anim ang sugatan sa insidente kabilang ang isang menor de edad at senior citizen. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District’s Explosives and Ordnance Division (EOD/K9), napag-alaman na ang mga biktima ay sinubukang i-dismantle o kalasin ang pressurized compressor, na hindi alam ang panganib na dulot nito.