Inaasahang magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang low pressure area (LPA), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Martes, Agosto 5.
Nitong Lunes ng gabi, Agosto 4, nang pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
As of 8:00 a.m. nitong Martes, namataan ang LPA sa 650 kilometers East of Virac, Catanduanes at mababa ang tsansa nito na maging bagyo.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng pag-ulan ang LPA partikular sa Luzon, Bicol region, at Eastern Visayas.
Ibinahagi rin ng weather bureau na kasalukuyan pa ring nasa monsoon break ang Pilipinas o mahinang epekto ng southwest monsoon o habagat.
Umiiral lamang ang southwest monsoon sa extreme Northern Luzon ngunit mababa ang tsansa ng significant rainfall.
Samantala, asahan lamang ng localized thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, partikular sa hapon o gabi.