December 13, 2025

Home BALITA National

Kitty Duterte, flinex mensahe ni FPRRD sa kanilang mga anak

Kitty Duterte, flinex mensahe ni FPRRD sa kanilang mga anak
Photo courtesy: via MB/Pulong Duterte (FB)

Ibinahagi ni Veronica "Kitty" Duterte ang ilang screenshots na naglalaman ng mga mensaheng ipinadala sa kaniya ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyan pa ring na sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Nasa The Hague si FPRRD dahil sa kinahaharap na kasong crime against humanity dahil sa kaniyang war on drugs sa panahon ng kaniyang administrasyon.

Sa mensahe niya, ipinaabot ng dating pangulo ang kaniyang mga pagbati at paalala sa mga anak na sina Vice President Sara Duterte, Davao Representative Paolo "Pulong" Duterte, Davao City Acting Mayor na si Sebastian "Baste" Duterte, gayundin kina Kitty at sa apo sa tuhod na si Mira.

“To Veronica and Mira: I love you. You are growing up beautifully and you are my eternal joy,” pahayg ni FPRRD sa kaniyang anak at apo sa tuhod.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Para naman sa mga anak niya, "To Sara, Paolo and Baste: I love you all, I am so proud of what you are doing and how you hold high the name of our family."

May hiwalay pa siyang mensahe sa mga anak at nagawa pang magbiro kay Mayor Baste, na kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal dahil sa naunsyaming bakbakan nila sa boxing ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III.

“Pulong: Do your job and do what is right."

"Inday: Keep up your good work. God will remember it."

"Baste: Add more girls to add your headache. More success mayor!"

"Kitty: Stay beautiful and earn more money."

"Mira: Study hard and remember that dada loves you very much!”

Photo courtesy: Veronica Duterte/IG

Matatandaang kamakailan lamang, naibahagi ng dating presidential spokesperson ni FPRRD na si Atty. Harry Roque na apat na beses nang hindi nakadalaw sa dating pangulo ang kasalukuyan niyang partner na si Honeylet Avancena.

KAUGNAY NA BALITA: Nababahala na! Honeylet, apat na beses nang hindi pa nakadalaw kay FPRRD

Bagay na kinumpirma naman ni Honeylet nang makapanayam siya ng pro-Duterte vlogger na si Claire Contreras o "Maharlika," sa kaniyang vlog. Nabanggit ni Honeylet na may kinalaman umano dito ang legal counsel ng partner na si Atty. Nicolas Kaufman.