December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Ikaw ang pahinga ko!' JM, pinili pa rin ni Donnalyn kahit hindi sigurado

'Ikaw ang pahinga ko!' JM, pinili pa rin ni Donnalyn kahit hindi sigurado
Photo courtesy: JM De Guzman (IG)

Nagbigay-pugay ang Kapamilya actor na si JM De Guzman sa kaniyang jowang si Donnalyn Bartolome, isang kilalang social media personality at aktres, sa pamamagitan ng isang heartfelt appreciation post sa Instagram bilang paggunita sa National Girlfriends Month.

Sa naturang post, ibinahagi ni JM kung gaano siya ka-grateful sa pagmamahal at suporta ni Donnalyn sa kabila ng kaniyang mga pinagdaraanan.

"[N]gayong national girlfriends month nais ko mag bigay pugay sa pinaka mapagmahal at pinaka cute na aking girlfriend na si @donna," mababasa sa Instagram post ni JM.

Ibinahagi rin ng aktor kung paano siya piniling mahalin ni Donnalyn kahit hindi raw sigurado ang huli at nasa pinakamababang yugto naman ng kaniyang buhay si JM.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

“Pinili moko kahit di ka sigurado sa akin, kahit i was at my lowest.. you saw the best in me.. you always give me strength . you always make me believe that im handsome and sexy and the greatest actor of all time,” biro ni JM na may halong lambing.

Hindi rin nakalimot ang aktor na pasalamatan ang Diyos sa biyayang pag-ibig na kaniyang natanggap mula kay Donnalyn.

"[K]idding aside nagpapasalamat ako sa Diyos na nakilala kita na nabigyan ako ng grasya Nya na mahalin mo. [S]werte ko… napaka swerte ko. mahal kita."

Agad namang umani ng papuri at kilig ang naturang post mula sa kanilang fans at followers, na matagal nang sumusubaybay sa mga kaganapan sa kanilang relasyon.

Marami ang humanga sa pagiging bukas at tapat ni JM sa kaniyang damdamin, at sa kung paano niya pinapahalagahan ang isang taong nanatili sa tabi niya sa kabila ng lahat.

Matatandaang Hunyo 2024 nang masungkit na ni JM ang matamis na oo ni Donnalyn, na halos higit isang taon din niyang niligawan.

KAUGNAY NA BALITA: Donnalyn Bartolome, hinarana si JM De Guzman; sinagot na nga ba?

“When I met Juan Miguel on February 16, 2022 he made me pinky promise to do a fun collab with him... tawang tawa ako kasi wala akong maalalang lalaki na kilala kong nakikipagPinky promise. Why did he have to make me promise? I’ll tell you next time. I delivered our Pinky Promise.. and all this happened,” kuwento ni Donnalyn.

“I thought we were only going to be friends. I was almost certain.. If everyone knew in detail how I felt, and everything that transpired, you’d feel the same, but the stars had something else written in them and during our exclusively dating phase, we assured each other promise rings, linked to the first promise we’d made to each other—a pinky kind for when we’re finally ready to be officially in a relationship,” dagdag pa niya.

“We trusted only one person for when the time comes. Hiding from each other while we designed each rounded gold separately for both our left littlest fingers in secret. Why they’re designed the way they are? That’s for another time too.”

KAUGNAY NA BALITA: JM De Guzman, nanalo na sa puso ni Donnalyn Bartolome

Kamakailan lamang, inintriga pa ang dalawa na kesyo hiwalay na raw, pero mukhang sa post na ito ni JM, winalis niya ang mga haka-haka patungkol sa hiwalayan issue.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng tugon si Donnalyn sa post sa kaniyang sariling social media, ngunit inaabangan na ito ng kanilang mga tagahanga na tuwang-tuwa sa kanilang love story.