December 16, 2025

Home BALITA Metro

Canine unit, nagpaliwanag kung bakit nangayayat ang kanilang police dog

Canine unit, nagpaliwanag kung bakit nangayayat ang kanilang police dog

Naglabas ng pahayag ang Regional Explosive and Canine Unit - NCR (RECU-NCR) patungkol sa nag-viral na larawan ng kanilang K9 dog na nakitang buto't balat umano ito. 

Ayon sa RECU-NCR, patuloy at regular anilang binibigyang-halaga ang kapakanan at kalusugan ng kanilang mga police service dog (PSD). 

Si EDD KOBE, na nag-viral kamakailan, ay isa raw mahusay na explosive detection dog (EDD) na nagseserbisiyo sa Maynila, at ito raw ay nasa maayos na kondisyon bago ito i-deploy.

Paliwanag ng RECU-NCR na ang isa sa mga dahilan kung bakit tila nangayayat si EDD KOBE ay dahil sumailalim daw ito sa 15 araw na refresher training noong Mayo 26 hanggang Hunyo 13, 2025, kung saan nasubok ang husay nito sa pag-amoy ng presensya ng bomba. 

Metro

Manila Water, Maynilad, raratsada ng dagdag-singil sa 2026

"Ito rin ang isang batayan para mas lalo pang maging reliable ang pag determina ng kaniyang pag-amoy. Ang nasabing pagsasanay ni EDD KOBE ay isa sa dahilan kung bakit ang kaniyang pangangatawan ay medyo slim pero siya po ay physically fit upang magsilbi sa bayan," anang RECU-NCR. 

Dagdag pa nila, "Ang isang uri ng Belgian Malinois na isinasa-ilalim sa pagsasanay ay dumadaan sa mahigpit na pag- susuri at mga naaayong kwalipikasyon bago pumasa at gamitin sa pagseserbisyo sa bayan."

"Ang RECU-NCR ay sinisiguradong nabibigyan ng tamang pagkain ang mga K9 at sila ay nasa maayos na pangangalaga ng mga beterinaryo ng aming opisina."