Sinusuong ng mga residente ng Isla Berde Purok 6 sa San Antonio Bay, Laguna ang tila “matcha flavor” na baha dahil sa berde nitong kulay.
Kamakailan, usap-usapan ng netizens ang social media post ni Katleya Tanda kung saan nakatuwaan ng ilan dito na ikumpara pa ang pagkaberde nito sa “efficascent oil,” habang ang iba nama’y naga-abiso na ipalinis na ang lugar.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Tanda, nitong Martes, Agosto 5, kaniyang ibinahagi ang kasalukuyang kondisyon ng kanilang purok.
Sa totoo lang po mahirap po kasi madumi at mabaho na po ang tubig,” kaniyang saad sa 2 linggo nang hindi humuhupa na baha.
“Yung iba naka-bota yung iba naman po walang bota, no choice naman po kung hindi lulusong, paano po makakabili ng mga pangangailangan sa araw araw at paano po mahahatid ang mga bata sa paaralan,” saad nito sa epektong dulot naman ng pagbaha.
Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang lokal na pamahalaan tungkol dito.
Sean Antonio/BALITA