December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Alden, umagree: 'Pinakamahirap na trabaho, naging mabuti sa walang kuwentang tao!'

Alden, umagree: 'Pinakamahirap na trabaho, naging mabuti sa walang kuwentang tao!'
Photo courtesy: Screenshots from Alden Richards (IG)

Mukhang iba rin ang hugot ni Kapuso star at Asia's Multimedia Star Alden Richards, batay sa ibinahagi niyang Artificial Intelligence (AI)-generated video sa Instagram story niya.

Sa nabanggit na AI video, mapapanood ang isang lolang nagbabalat ng mangga at tila may kinakausap.

Maririnig na saad ng lola sa video, "Alam mo, ang pinakamahirap na trabaho sa lahat, ay 'yong naging mabuti kang tao sa mga walang kuwentang tao sa paligid mo."

Doon na nagtapos ang nabanggit na video.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"realtalk yan lola," saad sa text caption ni Alden. 

Hindi naman na nagbigay pa ng context si Alden kung bakit niya shinare iyon.

Pero may mga sumang-ayon naman sa mapapanood sa video kahit nga sabihin pang AI lang ito.

Ilang netizens naman ang trila nag-aalala kay Alden.

"Parang may mga bubog sya sa dibdib," saad ng isa.

"Looks like AR is just finding out how the world works," pahayag naman ng isa.

Sey naman ng isa, "May point naman. Si Alden na talaga ang pinakasensible na actor sa bansa. Tantamouth to saying na si Alden ang Tom Cruise at Brad Pitt roled into one ng Pilipinas. Just continue with the deep intellectual posts para sa aming mga Gen Zers."

"Pero aminin nyo totoo naman ang sinabi ng AI," pagtatanggol naman ng isa.

Sa ibang balita patungkol kay Alden, kamakailan lamang ay flinex niya ang pagsisimula niyang mag-aral sa isang pilot school.

"Day 1 starts today…" caption niya sa kaniyang social media post noong Hulyo 30, 2025.

Makikitang nakasuot na siya ng uniporme ng isang piloto at sa background niya, makikita ang isang eroplano gayundin ang ilan pang taong may kinalaman sa aviation.

Hindi naman nabanggit ni Alden kung pansamantala ba siyang magsho-showbiz hiatus para lang tutukan ang balak niyang pagpipiloto.