December 20, 2025

Home BALITA Internasyonal

2 menor de edad, kulong matapos pumaslang umano ng 2 kuting

2 menor de edad, kulong matapos pumaslang umano ng 2 kuting
Photo courtesy: Pexels

Nakatakdang ipiit sa loob ng isang youth detention center ang dalawang menor de edad sa London, United Kingdom matapos ang pagpatay umano sa dalawang kuting.

Natagpuan ang dalawang kuting sa isang parke sa hilagang-kanluran ng London noong Mayo na may hiwa at may mga lubid na nakatali.

Ang dalawang kaawa-awang kuting ay may mga laman at balahibong sinunog umano ng mga suspek.

Namataan din ng pulisya ang mga parapernalya tulad ng mga kutsilyo at kasangkapang panunog sa pinangyarihan ng insidente.

Internasyonal

Canadian government, naglabas ng ‘travel warning’ sa mga lokal nilang magta-travel sa Pilipinas

Hinatulang “guilty” ang dalawang menor de edad sa pag-aari ng kutsilyo, pagpapahirap, at pagpatay sa dalawang hayop.

Sinintensyahan ang dalawang menor de edad, na pawang isang lalaki at babae, parehong 17 taong gulang. Isang taon ang sintensya sa lalaki habang siyam na buwan naman sa babae. 

Ayon sa pulisya, napag-alaman na ang babae ang kumalap ng litrato sa mga kuting na dumaan umano sa torture bago mangyari ang pagpatay.

Samantala, ayon kay prosecutor Valerie Benjamin, ninais din daw ng lalaki na pumaslang ng tao at nag-research pa kung paano makatatakas sa pagpatay, base na umano sa notes na makikita sa cellphone nito.

“I really wanted to murder someone. Every day, I was researching how to get away with murder. I have killed cats to reduce my urges," anang lalaki na humaharap din umano sa depresyon at “hallucinations.”

“His actions showed a degree of planning in finding the animals, taking them to a public place, and killing them in such a sadistic manner," ayon pa kay Benjamin.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad kung ang insidente ba ay konektado sa malaki pang bilang ng mga taong may kaparehong kaso.

Vincent Gutierrez/BALITA