December 15, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Suzette Doctolero, instant fan ni Shuvee Etrata

Suzette Doctolero, instant fan ni Shuvee Etrata
Photo courtesy: Balita/MB, Shuvee Etrata/FB

Inamin ng headwriter at creative consultant ng GMA Network Inc. na si Suzette Doctolero na matapos niyang makausap si Sparkle artist at ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata ay agad siyang naging fan nito.

Ibinahagi ni Suzette sa kaniyang Facebook post na na noong GMA Gala na ginanap noong Sabado, Agosto 2, ay nakita niya si Shuvee at nagkaroon siya ng chance upang makipagchikahan dito.

Naalala niya raw ang pahayag ni Shuvee patungkol sa pagiging mahirap ng buhay nito, na sampu raw silang magkakapatid, na ikinaawa at ikina-touch niya. Ibinahagi niya ring naka-relate siya rito.

“Uy Shuvee, sobrang happy ako sa success mo. Balita ko kasi ang dami mong endorsement. Ayan, bine-bless ka na ni Lord. Mabibigyan mo na ng okey na buhay ang pamilya mo,” ani Doctolero sa kaniyang post.

Teleserye

'Buti nagbabasa muna ako' Pagtsugi kay Boboy Garrovillo sa Sang'gre, nagdulot ng kaba

Matapos raw nito ay biglang naiyak ang PBB ex-housemate, na halos hindi nga raw ito makapagsalita dahil sa emosyon.

Dahil na-guilty, nagbiro na lang daw si Suzette kay Shuvee at tinukso nito ang aktres kay Anthony [Constantino], na agad ikinatawa nito.

Pero inamin ni Suzette na matapos ng pangyayaring iyon, naging “instant fan” siya ni Shuvee.

“Pero alam ninyo, naging instant fan ako ni Shuvee that night. To think na hindi ako mahilig sa artista, kahit na nasa industriya ako,” aniya.

“Authentic siya. Totoong tao. Walang pagpapanggap. Walang wall. Napakagandang bata, sa loob at labas. May matinding pagmamahal sa pamilya, at nagsikap talagang mapaunlad ang sarili para sa pangarap at maiahon ang pamilya,” dagdag pa niya.

Pinuri ni Suzette si Shuvee at sinabing deserve nito ang lahat ng tagumpay.

“May kabuluhan ang lahat ng sakripisyo at may saysay ang bawat tagumpay lalo na kung pinagsumikapang marating,” pagtatapos ni Suzette sa kanyang post.

Matatandaang si Suzette ang scriptwriter ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre,” at si Shuvee naman ay gumaganap bilang “Veshdita” sa nasabing palabas.