January 05, 2026

Home BALITA Probinsya

‘Putukang nauwi sa kasalan!' Anak ng miyembro ng MILF, nakipagtanan sa katunggaling grupo

‘Putukang nauwi sa kasalan!' Anak ng miyembro ng MILF, nakipagtanan sa katunggaling grupo
Photo courtesy: Contributed photo, Pexels

Nauwi sa kasalan ang bakbakang nagsimula bunsod ng palihim na pagtatanan ng anak ng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at isa pang grupong mula naman sa Mamasapano.

Ayon sa mga ulat, nagsimulang magkaroon ng tensyon nang magpaputok ang grupo ni Sukor Guialamon—miyembro ng 106th Base Command ng Bangsamoro Islamic Armed Forces na siyang armadong paksyon ng MILF. 

Lumalabas sa imbestigasyon na anak ni Guimalon ang 15 taong gulang na dalagitang tinangay at tinanan ng grupo ng 21-anyos na lalaki at mismong kapatid ni Mohamad Tatak na siya namang village chair sa Sapakan, Mamasapano.

Tinatayang nasa tatlong oras ang itinagal ng palitan ng putok ng dalawang nasabing grupo, na naawat lamang daw matapos mamagitan ng 33rd Infantry Battalion.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Matapos magkagulo, nagkasundo rin daw ang dalawang panig na ituloy na lamang sa kasalan ang pagtatanan ng dalawa. Mismong ang alkalde ng Mamasapano ang tumayong main sponsor ng nasabing kasalan.