Naglabas ng maikling komento si Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte hinggil sa “win by default,” ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III sa kanilang naunsyaming bakbakan dahil sa hindi niya pagsipot.
KAUGNAY NA BALITA: Torre, 'di pinagpawisan kay Baste; may round 2 pa kaya?
Sa isang podcast na ibinahagi ng CM Baste Duterte noong Linggo, Agosto 3, 2025, binati ni Duterte ang tila tagumpay daw ni Torre bilang “Pambansang Kamao.”
“Congratulations! Congrats! Ikaw na yung bagong Pambansang Kamao. Pinalitan mo na si Manny Pacquiao,” anang alkalde.
Matatandaang gumawa ng ingay ang naunsyaming tapatang Duterte-Torre noong Hulyo 27, matapos hindi sumipot si Baste bunsod ng kaniyang pag-alis sa bansa patungong Singapore.
KAUGNAY NA BALITA: Baste Duterte, lumipad na patungong Singapore; tinakasan na si Torre?
Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit niyang marami umano siyang iniintindi tuwing araw ng Linggo, kaya’t muli niyang hinamon ang hepe ng PNP ngunit hidi niya siya pinaunlakan nito.
“Kung gusto mo ‘yan charity na ‘yan and you’ve laid some conditions then let me laid my own conditions for the event—kung serious ka talaga ha? But I cannot be there sa Sunday, I have other things to do,” ani Duterte.
Dagdag pa niya, “Pero Tuesday, available na ako. Tuesday, Wednesday, but not Sunday. Tuesday, Wednesday or any other day. I think mas okay para sa’yo kasi mas may oras ka pa para mag-ensayo.”
KAUGNAY NA BALITA: Baste, ayaw ng suntukang may gloves; pina-reschedule bugbugan nila ni Torre
Nag-ugat ang nasabing dapat sana’y bakbakan nina Torre at Duterte matapos ang naging pahayag ni Baste laban kay Torre, na matapang lamang daw ang hepe dahil sa kaniyang posisyon ngunit kaya niya raw itong talunin sa suntukan. Bunsod nito, pinatulan ni Torre ang nasabing pahayag at iniangkla sa isa raw charity boxing match para sa mga nasalanta ng bagyo at habagat.
KAUGNAY NA BALITA: Torre, kumasa sa hamong suntukan kay VM Baste; inaya ng 12 rounds sa Araneta!