Isang bungo ng tao ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang bakanteng lote sa Barangay Calumpang, General Santos City.
Ayon sa mga ulat, nakabalot ang nasabing bungo sa isang itim na tela kasama ng ilan pang mga karayom at ilang punit na larawan.
Bilang kilala sa kuwentong bayan ang paraan ng mga kulam at pambabarang sa mga probinsya at liblib na lugar sa bansa, hinala ng ilan, posible umanong may kinalaman ang mga larawan at karayom na narekober kasama ng bungo na siya umanong ginamit na pagpapahirap sa biktima nito.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing bungo.