Umani ng tawanan sa Senado ang dapat sana’y dasal daw ni Sen. “Ronald” Bato dela Rosa para kay Sen. Joel Villanueva matapos siyang magkamali ng pagbanggit sa posisyon ng nasabing senador.
Sa sesyon nitong Lunes, Agosto 4, 2025, sa halip na majority leader, natawag ni Dela Rosa na ang posisyon ni Villanueva ay “minority leader,” na nakabatay daw sa kaniyang binabasa.
“We also say a special prayer today for our 'minority leader' Sen. Joel Villanueva who recently celebrated his birthday," ani Bato.
Matapos mabanggit ang maling posisyon, tila mapapansin naman ang pag-react at pagngisi ni Sen. Imee Marcos sa likuran ni Dela Rosa.
Sa kabila ng kaniyang nasabi, itinuloy na lamang ni Dela Rosa ang dasal na alay daw para kay Villanueva at saka inamin ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa Senado.
“Mr. President, I may move to amend the portion of my prayer. Instead of a minority, it's a majority. Actually Mr. President, I will have my staff explain this minor glitch Mr. President. Sorry, majority leader,” ani Dela Rosa.
Sa kasalukuyang Kongreso, si Sen. Vicente “Tito” Sotto III ang minority leader ng Senado.
Samantala, sa hiwalay na footage na nagkalat sa social media, mapapansin ang paglapit ni Dela Rosa sa isa sa kaniyang mga staff habang dala-dala ang folder na kaniyang binasa kung saan siya nagkamali sa posisyon ni Villanueva.