Isang sawa ang nambulabog sa entrance ng Maharlika Presidential Hangar sa Villamor Airbase, Pasay City, nitong Lunes, Agosto 4, 2025.
Ayon sa mga ulat, nahuli ang mismong sawa sa nasabing entrance kung saan dapat dadaan si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., para sa kaniyang scheduled flight patungong India.
Mapapanood sa nakuhanang video ng media na isang tauhan ng Philippine Air Force ang nasugatan matapos siyang matulaw ng nasabing sawa. Bahagya rin siyang nalinggis nito sa kaniyang paa bago ito tuluyang naipasok sa sako.
Dinala na sa ospital ang naturang PAF officer.
Samantala, nitong Lunes, Agosto 4 nakatakdang lumipad patungong India ang Pangulo kung saan maglalagi siya roon hanggang sa Agosto 8. Natanggap ng Pangulo ang imbitasyon mula kay Prime Minister Narendra Modi. Nakatakda rin siyang makipagpulong sa ilang business sektor sa New Delhi at Bangalore.