December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bea Borres nag-flex ng tiyan sa gitna ng 'buntis' at 'nagpalaglag' issue

Bea Borres nag-flex ng tiyan sa gitna ng 'buntis' at 'nagpalaglag' issue
Photo courtesy: Screenshots from Bea Borres (TikTok)

Usap-usapan ang pagpapakita ng tiyan ng social media personality na si Bea Borres sa kaniyang latest TikTok videos na humamig agad ng million views.

Bukod sa inabangan ng kaniyang followers ang latest content niya, siyempre pa, may iba pang inaabangan at sinisipat ang mga netizen sa kaniya.

Lately ay naging laman ng intriga si Bea matapos maisyung buntis at umano'y nagpalaglag daw.

Sa pamamagitan nga ng pagsayaw, sinagot ni Bea ang pasaring ng ilang bashers na kaya raw siya nagsusuot ng oversized shirts ay dahil nga tinatago niya ang kaniyang tummy.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Kaya ang ginawa ni Bea, humataw siya ng sayaw sa TikTok na nasisilip ang kaniyang belly.

Pero hindi pa rin siya tinantanan ng bashers at sinabing baka naman daw matagal na ang nabanggit na video, at recent lang niya inupload.

Kaya naman, ginawan pa rin niya ng content ang sagot niya sa bashers na duda pa rin sa isyu.