Sa edad na 55, pumanaw na ang Korean actor na si Song Young Kyu ngayong Lunes, Agosto 4.
Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ng isang kakilala ang aktor na walang malay sa isang residential complex sa Yongin, Gyeonggi province, bandang 8:00 ng umaga.
Lumitaw rin sa imbestigasyon ng mga awtoridad na walang foul play o anumang suicidal note na natagpuan sa insidente.
Sino si Song Young Kyu?
Matatandaang humarap sa kontrobersiya si Song matapos mahuling nagmamaneho habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak noong Hunyo.
Gumanap si Song sa iba’t ibang mga palabas tulad ng “The Tale of Lady Ok,” Destined with You,” at “Agency.”
Nag-debut si Song sa isang children’s musical noong 1994.
Umeere pa rin ang mga palabas ni Song na “The Defects” at “Try” sa gitna ng kaniyang pagpanaw ngayong araw.
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang impormasyon na nagsasapubliko sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Song.
Vincent Gutierrez/BALITA