December 17, 2025

Home BALITA Metro

9-anyos na batang babae, natagpuang patay at walang saplot sa bakanteng lote

9-anyos na batang babae, natagpuang patay at walang saplot sa bakanteng lote
Photo courtesy: Contributed photo

Patay na nang natagpuan ang katawan ng isang 9 na taong gulang na babae sa isang bakanteng lote sa Novaliches, Quezon City noong Linggo, Agosto 3, 2025.

Ayon sa mga ulat hubo't hubad nang matagpuan ang bangkay ng biktima. Saad pa ng mga awtoridad, mismong ang ama na lamang daw ng biktima ang nagbalot sa kaniyang katawan ng kumot bago siya tuluyang narekober ng mga awtoridad. 

Sa isang CCTV footage, nahagip ang isang 13 taong gulang na binatilyo na kapitbahay ng biktima at napag-alamang huling kasama raw niya bago tuluyang mangyari ang krimen.

Samantala, agad namang inimbitahan ng barangay ang nasabing binatilyo na mabilis na umamin sa ginawa sa biktima.

Metro

Guro sa Tondo, tiklo; nangmolestya ng estudyante, testigo pinilit pang kumain ng ipis!

Ayon sa binatilyo, inamin niyang sila raw ng biktima ang magkasama hanggang sa dalhin niya sa isang compound at saka raw niya ito sinakal. 

Hinala pa ng pulisya, posible umanong ginahasa rin ng suspek ang biktima matapos niya itong sakalin. Iniimbestigahan din daw nila kung paano isinama ng suspek ang biktima at kung paano raw nila napasok ang pribadong compound kung saan nangyari ang krimen.

Nakatakda nang isailalim sa autopsy ang mga labi ng biktima habang kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang binatilyong suspek.