December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Wilma Doesnt, wafakels sa college degree ng mga empleyadong kinukuha sa negosyo

Wilma Doesnt, wafakels sa college degree ng mga empleyadong kinukuha sa negosyo
Photo courtesy: Screengrab from DTI (YT)/Chicks Ni Otit (FB)

Tinawag na “entrepreneur with advocacy and compassion,” ibinahagi ng aktres-negosyanteng si Wilma Doesnt sa kaniyang panayam kay Karen Davila na hindi requirement ang college degree sa pagtanggap ng mga empleyado sa kaniyang food business.

Sa programang “DTI: Asenso Pilipino,” masayang ipinahayag ni Doesnt ang dahilan sa likod ng kaniyang pagtanggap at pakikisama sa mga empleyado sa food business na “Chicks ni Otit” sa Cavite at Tagaytay.

“Alam mo ‘yong feeling na wala ka tapos naghihintay ka ng trabaho tapos walang nagtitiwala sa’yo? Alam ko ‘yon eh. So ako ang pinili ko talaga, ‘yong mga PWD ko, ‘yong mga mute and deaf ko andon pa rin sila… Ngayon sa Tagaytay, ang ginawa ko ‘yong mga members ng 4Ps na nanay,” kaniyang paliwanag sa mga empleyadong tinutulungan sa pamamagitan ng pag-hire sa restawran.

“Hindi ako tumitingin ng college degree. Hindi kinakailangang kung dishwasher ka kailangan nakakaintindi ka ng quantum physics para maghugas ng plato, ‘no. Kung kailangan kita, kailangan ko ng worker, at kailangan mo ng job tayong dalawa,” kaniyang dagdag at diin sa importansya ng pagpapahalaga sa pagtulong.

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Sa kamakailang social media post ni Doesnt, pinost niya real-time ang mga ganap sa kaniyang restawran sa General Trias, Cavite na tinawag din niyang “5-star carienderia,” kung saan nakita rito ang patuloy na pagdating ng mga costumer at pagbati sa mga empleyado sa kasagsagan ng bagyo.

Sean Antonio/BALITA