Personal na binisita ni Vice President Sara Duterte ang lumang sementeryo ng Danao City upang alalahanin at gunitain ang kaniyang mga yumaong kamag-anak na nagmula sa lungsod.
Sa kaniyang pagdalaw, sinabi ng Pangalawang Pangulo na layunin din niyang hanapin ang puntod ng kaniyang ninuno—si Facundo Duterte, ang lolo ng kaniyang amang dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay VP Sara, bahagi ng kaniyang pagbisita sa Danao ang paghahanap sa libingan ni Facundo, na patuloy niyang sinusubukang matunton.
"Tuwing pumupunta ako sa Danao City, binibisita ko ang libingan ng aking mga kamag-anak na nagmula sa Danao City, Cebu.
Ito ay upang hanapin ko rin ang libingan ng Lolo ni Dating Pangulong Duterte na si Facundo. Umaasa ako na sa pag-iikot ko sa libingan ng mga kamag-anak namin sa Duterte ay mahanap ko ang libingan ni Facundo Duterte," aniya.
"Noong nakaraang bisita ko sa Cebu, humingi ako ng tulong sa mga kaigsuonan ko na Cebuano na mahanap ang himlayan.
Nagsindi tayo ng kandila sa kanilang mga puntod at nag-alay ng dasal."
Kasama ang ilang kaanak, nagsindi si VP Sara ng kandila at nag-alay ng panalangin sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan, pananampalataya, at pagkakaisa ng pamilyang Pilipino.
“Mahalin natin ang Pilipinas — para sa Diyos, Bayan at Pamilyang Pilipino,” pahayag niya.
Kamakailan lamang ay nagsalita rin siya patungkol naman sa desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang ikaapat na impeachment case laban sa kaniya.
"I extend my heartfelt gratitude to the members of the Defense Team for taking on my case, even when no one else was willing to stand by me."
"Thank you to the Petitioners of G.R. No. 278359 for having the conviction to challenge the abuses of the House of Representatives."
"To those whose voices rang out in dissent against persecution — thank you. Your courage to speak the truth has been a source of strength."
"And to the parents, children, and silent supporters who offered their prayers for justice — thank you. Your quiet faith lifts me up.
"Our country deserves better, and we shall stand tall, strong, and resilient against leaders whose greed will bring down our homeland. We deserve better."
"Mahalin natin ang Pilipinas — para sa Diyos, bayan at bawat pamilyang Pilipino. Daghang salamat," aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, naglabas ng pahayag sa desisyon ng SC sa impeachment niya