December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, nilinaw bakit kumain pa sa fast food chain matapos ang GMA Gala

Vice Ganda, nilinaw bakit kumain pa sa fast food chain matapos ang GMA Gala
Photo courtesy: Screenshots from X

Nilinaw ni "It's Showtime" host at Unkabogable Star Vice Ganda kung bakit siya dumiretso ng mga kasama niya sa isang sikat na fast food chain na ineendorso niya, matapos umalis sa ginanap na GMA Gala 2025 noong Sabado, Agosto 2.

Kasama si Vice Ganda sa Kapamilya stars na imbitado sa event, dahil napapanood ang Showtime sa GMA Network tuwing tanghali.

Bukod kay Vice Ganda, kasama niya rin ang co-hosts na sina Jhong Hilario, Cianne Dominguez, Ryan Bang, Darren Espanto, Ogie Alcasid, at Anne Curtis.

Kagaya ng unang gala ay talaga namang paandar din ang awrahan ni Meme Vice.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Pagkatapos ng event, ibinahagi ni Vice na nagsadya sila sa isang fast food chain na endorser siya.

Kitang-kita naman ang saya at kilig ng staff, crew, at iba pang mga kumakain nang masilayan ang Unkabogable Star, na kung ano ang suot sa gala, ganoon pa rin ang suot nang pumasok sa loob ng fast food chain.

Ilan naman sa mga netizen ang nag-usisa kung bakit kinailangan pa niyang humirit ng chibog; hindi raw ba siya nabusog sa kinain niya sa gala?

Isang X fan-based account pa ang nagsabi ng "Bakit n'yo naman ginutom si Meme."

Kaya bago pa magkaroon ng iba't ibang espekulasyon at makarating pa ito sa management ng Kapuso Network, agad nang nilinaw ni Vice Ganda ang dahilan.

Aniya sa kaniyang X post, "Sweet lang kasi ang mga subo sa Ball. Sanay ako sa lamun."

So sa kakachika at sosyalan, hindi na nga nakakain nang maayos at marami si Meme Vice sa gala.