Patok sa netizens ang viral video sa social media ng tila isang “No Face Live Seller,” kung saan siya ay nakasuot ng full cotton body habang nagbebenta ng mga damit online.
Sa ulat ng GMA News, mula sa pag-model at pagrampa hanggang sa pagsayaw habang suot ang mga panindang damit, bentang benta sa netizens ang mga video ng live seller na si Jade Velasco “Miss Nofez” sa TikTok dahil sa kakaiba nitong pamamaraan ng pagbebenta.
Sa eksklusibong panayam ng Balita, isinalaysay ng online seller kung bakit ganito ang "gimik" niya na bet naman ng mga netizen.
“Aside from mahiyain ako in front of the camera. One reason din is ito yung marketing strategy ko among other online sellers.”
“Naisip ko, ano kaya yung pwedeng maging kakaiba sa pagla-live ko? Kaya naisip kong mag ala mannequin. At the same time aside from selling, I also dance sa aking live para hindi boring panoorin.”
“Natutuwa naman ako kasi natatawa at nag eenjoy sila sa napapanood nila,” aniya pa, nang tanungin kung ano ang inspirasyon sa likod ng tema sa kaniyang live selling sa TikTok.
Bukod sa live selling, meron din itong wedding gown business at kasalukuyang nasa 3rd year college.
Sean Antonio/BALITA