Inisyu na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang pagkakabilang ng Sulu sa Rehiyon IX, sa ilalim ng Executive Order 91.
Pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr. ang plebisitong ito noong Miyerkules, Hulyo 30, para alisin ang probinsya ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at pormal nang isailalim ang Sulu sa Rehiyon ng Zamboanga.
Ito ay nakaangkla sa desisyon ng Korte Suprema, na isinapubliko noong Sabado, Agosto 2.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong paigtingin ang patuloy na operasyon ng pamahalaan at hindi maapektuhan ang paghahatid ng mga serbisyo publiko sa bansa.
“There exists an urgent need to effectively implement and address the effects of the Supreme Court Decision and Resolution on the operations of NGAs and the delivery of public services in the Province of Sulu,” anang Marcos Jr.
Ang EO na ito ay sumasakop sa buong probinsya ng Sulu, kabilang ang mga lokal na pamahalaang nakapaloob dito, departamento, at mga ahensya.
Inaasahan ang kooperasyon ng probinsya ng Sulu na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maipagpatuloy at maipanatili ang transisyong ito.
Vincent Gutierrez/BALITA