Inihayag ni dating Senate Minority leader Atty. Koko Pimentel ang nararamdaman niya ngayong hindi na siya bahagi ng 20th Congress.
Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado Agosto 2, sinabi ni Pimentel ang tatlong bagay na nararamdaman niya ngayong mas malaya na siyang makakapagkomento sa ginagawa ng lehislaturang sangay ng gobyerno.
Aniya, “I’m feeling great, I’m feeling liberated and free. So now we can be the ‘mata ng bayan.’ We can now freely comment on what our legislature is doing.”
“When you belong to an organization, sometimes [...] you’re conscious of being a member of the organization,” dugtong pa ni Pimentel.
Ayon sa kaniya, kailangan umano niyang katigan ang kaniyang committee chairpersons nang magsilbi siyang Senate President noong 2016 hanggang 2018.
“If that’s the opinion of the chairperson, ang assumption mo is he or she studied that issue better than you have. So, you do not cross-examine your chairperson,” saad ni Pimentel.
Dagdag pa niya, “Unlike when you are now minority leader, when you’re in the minority, you going to cross examine the other side.”
Matatandaang naghain ng certificate of candidacy (COC) si Pimentel noong Oktubre 2024 para kumandidatong kongresista sa first disctrict ng Marikina ngunit nabigo siyang manalo laban kay noo’y Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.