Kinaaliwan ng mga netizen ang magka-date na sina Klarisse De Guzman at Will Ashley sa naganap na GMA Gala 2025 noong Sabado, Agosto 3.
Bilang "Nation's Mowm at Son" na nabuo dahil sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition," pakiramdam daw ng mga netizen ay nagmartsa sa graduation ceremony ang dalawa, nang rumampa na sila sa blue carpet ng event.
May nag-edit pa nga ng video clip ng pagrampa nila at nilagyan ng "Aida March" na kadalasang ginagamit sa graduation ceremony o commencement exercises.
"So graduation ang peg natin tonight," biro na lamang ni Klang.
"At talagang graduation nga. Nilaro nyo nanaman ako," aniya pa.
Noong Agosto 2, ibinahagi ni Klarisse ang "date proposal" sa kaniya ni Will sa Gala.
"Bring ur mom to school ang atake," ani Will.
Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, isa sa mga talagang naging emosyunal nang ma-evict kaagad si Klarisse ay si Will.
KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!
Aniya, mother figure daw talaga ang naramdaman niya kay Klang, kaya feeling niya, nawalan siya ng isang solid na kakampi sa PBB House nang umalis ito ng bahay nang hindi nila inasahan.
KAUGNAY NA BALITA: Bilang 'Mowm' figure sa PBB: Esnyr, Will emosyunal sa paglabas ni Klarisse
Kaya nga, nabuo sa outside world ang "Pamilya De Guzman."
Panganay na anak daw ni Mowm Klang si Mika Salamanca, na "hubby" naman daw ni Brent Manalo.
"Twin daughters" naman daw niya sina Esnyr at Shuvee, na naging malapit din sa isa't isa.
At ang bunsong anak daw niya ay si Will Ashley na grabe ang iniiyak nang ma-evict sila ni Shuvee.
KAUGNAY NA BALITA: Family tree ni Mowm! Sino-sino miyembro ng 'De Guzman Family' sa PBB?