December 13, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

James Reid, pasok sa Korean agency na humahawak kay Ji Chang-wook

James Reid, pasok sa Korean agency na humahawak kay Ji Chang-wook
Photo courtesy: Careless Music Manila/FB

Opisyal nang umanib ang celebrity na si James Reid sa Korean management na Spring Company, na kilala ring handler ni Korean actor and singer na si Ji Chang-wook.

‎Si James Reid ang kauna-unahang Pinoy artist na napabilang sa nasabing agency.

‎‎Makikita sa Facebook post ng Careless Music Manila ang pagpirma ni Reid sa kanilang management, kasama ang isang kinatawan ng Spring Company.

‎"James Reid signs with Korea’s @spring.company_official — the first Filipino artist to join their roster," anang caption ng post.

Musika at Kanta

Cup of Joe, nanguna bilang ‘Top Local Artist’ at ‘Top Local Group’ sa Spotify Wrapped 2025

‎‎Ilan sa kilalang Korean celebrities na hinahawakan ng Spring Company ay Ji Chang-wook, na gumanap sa mga palabas na “Empress Ki,” “Healer,” “The K2,” at “Suspicious Partner.”Nasa pangangalaga rin ng Spring Company ang Korean actor na si Kim Min-seok, na lumabas sa ilang Korean series tulad ng "Shark: The Beginning," "Flower Band," "Descendants of the Sun," at "Innocent Defendant."

‎Matatandaang umusbong ang karera ni James Reid matapos maging alumnus ng reality show na "Pinoy Big Brother." Katangi-tangi rin ang pagganap niya sa ilang mga palabas sa bansa tulad ng "On the Wings of Love" at sa pelikulang "Diary ng Panget."

Vincent Gutierrez/BALITA