Tila ba "coincidence" ang naganap na tagumpay ng mga Pilipinong atletang nakakuha ng medalya sa parehong ayaw, ngunit sa magkaibang taon, noon at ngayong Agosto 3.
Mainit pa ang pagkapanalo ng Alas Pilipinas Women’s Volleyball Team matapos magwagi sa kanilang bronze medal match laban sa bansang Indonesia. Sa iskor na 25-20, 25-20, 16-25, 25-13, nakuha ng Alas Pilipinas WVT ang ikatlong pwesto sa 2025 South East Asian (SEA) Games V.League Leg 1 ngayong Linggo, Agosto 3, sa bansang Thailand.
Matapos ang pagkatalo ng WVT ng Pilipinas sa bansang Thailand at Vietnam, napanatili naman nito ang kanilang streak matapos masungkit din nakaraang taon ang tansong medalya sa parehong liga.
Nakaraang taon, Agosto 3, 2024, nasungkit naman ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang makasaysayan niyang gintong medalya sa Gymnastics noong Olympics 2024 na ginanap sa Paris, France.
KAUGNAY NA BALITA: 'Golden Boy' Carlos Yulo, itinanghal na Athlete of the Year!
Nanguna si Yulo sa floor exercise event ng Men’s Gymnastics sa nasabing kompetisyon at umani pa ng isa pang ginto para naman sa Men’s Vault, noong Agosto 4, 2024.
Ang mga medalyang nasusungkit ng mga atletang Pinoy ay hindi lamang sumasalamin sa kanilang husay at galing, bagkus ipinakikita rin nito ang kanilang isinakripisyong oras at panahon upang makamit ang tagumpay.
KAUGNAY NA BALITA: #BALITAnaw: Ang makasaysayang tagumpay ng 'Team Pilipinas' ngayong 2024-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA