January 26, 2026

Home BALITA

Binatilyong nag-selos sa pagpapa-tattoo ng jowa niya, patay sa pananaksak

Nasawi ang isang 17 taong gulang na lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng lalaking kaniya umanong pinagselosan.

Ayon sa mga ulat, selos ang pinagmulan ng krimen bunsod umano ng pagpapa-tattoo ng girlfriend ng biktima.

Batay pa sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyari ang krimen habang nag-iinuman ang suspek at biktima sa isang tindahan. Doon umano naungkat ang isyu ng biktima hinggil sa pagpapa-tattoo raw ng girlfriend niya sa suspek.

Matapos magkasagutan, doon na raw inundayan ng suspek ng biktima na nagtamo ng saksak sa kaniyang tagiliran habang mabilis namang pumulas ang suspek mula sa crime scene.

Trillanes, nagpasalamat kay Ogie Diaz matapos supalpalin si Belgica

Samantala, bago raw mawalan ng malay ang biktima, nagawa pa raw niyang magsumbong at humingi ng tulong sa pulisya.

Agad siyang isinugod sa ospital ngunit idineklara na siyang dead on arrival.

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek na mahaharap sa reklamong murder.