December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bea Alonzo sa relasyon nila ni Vincent Co: 'It's very obvious, we're together!'

Bea Alonzo sa relasyon nila ni Vincent Co: 'It's very obvious, we're together!'
Photo courtesy: via MB/Bong Go (FB)

Mula na mismo kay Kapuso star Bea Alonzo ang kumpirmasyong sila na nga ng businessman na si Vincent Co, nang makapanayam siya ng GMA News noong Sabado, Agosto 2, sa idinaos na "GMA Gala 2025" sa Manila Marriott Hotel.

Umugong ang intriga tungkol sa bagong love life ni Bea nang maispatan silang magkasamang namamasyal sa ibang bansa, gayundin sa airport.

KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?

KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Si Vincent Co ay anak lang naman ng mag-asawang business tycoon na sina Lucio at Susan Co, na may-ari ng sprawling retail, real estate, a liquor empire sa bansa, at kinikilala ng Forbes bilang isa sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas, at maging sa Asya.

Untag ng tagapanayam kay Bea, “But for the record are you guys dating, is it a confirmation?”

“I think it’s very obvious, yeah, that we’re together,” pakli ni Bea.

Natanong naman ang aktres kung masaya siya sa estado ng buhay pag-ibig sa ngayon.

“Yeah, yes, I’m very happy and I think it’s all I can share,” sagot pa ng aktres.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang love life ni Bea nang mapurnada ang sana'y kasal nila ng ex-fiance na si Dominic Roque, sa hindi pa malamang kadahilanan.

Sa kasalukuyan ay masaya na rin ang buhay-pag-ibig ni Dominic dahil jowa niya ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez, na ex-girlfriend naman ng actor-politician na si Javi Benitez.

Sey naman ng mga netizen, bagay na bagay naman daw si Bea kay Vincent dahil bukod sa parehong good-looking, ay halos pantay naman din ang estado nila sa buhay, lalo't balitang-balitang bilyonarya na raw si Bea dahil sa dami ng mga ipon niya sa pag-aartista, at pagnenegosyo na rin.

Mukhang goods naman ang relasyon ng dalawa sa mga kaanak ni Vincent, dahil kamakailan lamang ay nakita pang kasama nila si Bea sa isang business event.

KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, naispatang kasama na ang madir, sis ni Vincent Co

Nabulabog kamakailan hindi lamang sa mga bigating artist na guest performers sa naganap na Puregold OPM Con 2025 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan noong Hulyo ang mga manonood kundi nang masilayan din silang dalawa.

KAUGNAY NA BALITA: Pinagkaguluhan! Bea Alonzo, Vincent Co naispatang magkasama sa OPM concert