December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Barbie Forteza, Jameson Blake naispatang magkahawak-kamay sa GMA Gala 2025

Barbie Forteza, Jameson Blake naispatang magkahawak-kamay sa GMA Gala 2025
Photo Courtesy: GMA Integrated News (X)

Tila palaisipan na naman sa fans ang ugnayan nina Kapuso star Barbie Forteza at Kapamilya actor Jameson Blake.

May mga lumulutang kasing video clips kung saan makikitang magkahawak-kamay sina Jameson at Barbie habang idinaraos ang GMA Gala 2025 noong Sabado, Agosto 2.

Ito ay sa kabila ng kanilang paglilinaw na wala anomang namamagitan sa kanilang dalawa matapos silang maispatang magkasama sa isang running event sa Pampanga.

MAKI-BALITA: Pictures nina Barbie Forteza, Jameson Blake inurirat: ‘Soft launch ba ‘to?’

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Hulyo ay idinaan ni Jameson ang pahayag niya kay showbiz insider Ogie Diaz para tuldukan ang nabubuong intriga.

MAKI-BALITA: Jameson Blake, nagsalita na sa real-score nila ni Barbie Forteza

Samantala, sa isang panayam naman kay Barbie, itinanggi niyang may relasyon sila ni Jameson.

KAUGNAY NA BALITA: Barbie Forteza, nagsalita na sa pagkaka-link kay Jameson Blake

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Napakalandi at napaka sinungaling mo Barbie. Pa deny deny ka pa yun pala liar ka!!"

"Ganitong ganito si kylene with Kobe dati. I think this is it? "

"Ok its confirmed"

"Ayoko na, kay D n lang ako, waiting na lang ako sino ang para kay David, nakakasad naman"

"Totoo nga sinabi ni Barbie, mabilis sya ma fall kelan ba sila nag shoot ni jameson ng movie? Haha"

"I love barbie "

"Jameson, iuwi mo na yan."

"Nakakatamad talaga sumupport sa barda. Hahaha"

"andaming tanong kay barbie why? Pero cguro in the first place paano magiging real ang barda kung nver nman nanligaw si guy dba?"

Anyway, single naman pareho ang dalawa. Kapapasok lang noon ng 2025 nang ianunsiyo ni Barbie na tapos na ang pitong taong relasyon niya kay Kapuso hunk actor Jak Roberto. 

MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!