December 16, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga benepisyo ng breastmilk kay baby at mommy

ALAMIN: Mga benepisyo ng breastmilk kay baby at mommy
Photo courtesy: Pexels

Ipinagdiriwang tuwing Agosto sa Pilipinas ang Breastfeeding Awareness Month kung saan binibigyang atensyon at pagpapahalaga ang breastfeeding o pagpapasuso para sa kalusugan ng ina at sanggol.

Ayon sa Republic Act No. 10028 o Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009, idinideklara rito ang pagkakaroon ng mga dedikadong espasyo at pasilidad para sa mga nagpapasusong ina.

Isa rin sa mga binanggit dito ang pagsasagawa ng mga training program para sa mga doktor, nurse, komadrona, nutritionist-dietitian at mga community health worker tungkol sa mga kasalukuyang lactation management.

Gayundin ang pagbibigay-impormasyon sa kababaihan tungkol sa maternal nutrition at tamang nutrisyon biglang paghahanda sa pagpapasuso sa pangunguna ng Department of Health (DOH) kasama ang mga lungsod at barangay health centers.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 8 mga putahe na kasya sa ₱1,500 para sa Noche Buena

Kung kaya’t sa taong 2025, sa ilalim ng temang “One Breastfeeding Philippines: Yakap Hakab, layong palawigin ng DOH ang importansya ng breastmilk sa unang 6 na buwan ng sanggol at para mahikayat ang pagsuporta ang mga komunidad sa mga ina at sanggol.

Kung saan, nailunsad na ang unang araw nito noong Biyernes, Agosto 1 sa Taguig City na dinaluhan ng mahigit-kumulang 200 na nanay.

Dahil dito, ano ba ang ilang benepisyo ng breastfeeding para sa ina at sanggol nito?

1. Ang breastmilk, o gatas na galing sa ina, ay kinokonsiderang mainam sa sanggol dahil sa antibodies na nagpoprotekta rito laban sa mga sakit, kung kaya’t nagbibigay rin ito ng ehersisyo at nutrisyon sa mga unang buwan hanggang dalawang taon ng sanggol, ayon sa World Health Organization (WHO).

2. Ang mga batang lumaki sa breastfeed ay may mababang tyansa ng asthma, obesity, type 1 diabetes, at sudden infant death syndrome (SIDS), ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

3. Para naman sa ina, ang breastfeeding ay nakababawas sa tyansa ng ilang sakit tulad ng breast at ovarian cancer, type 2 diabetes, at high blood pressure, ayon din sa CDC.

4. Sa isang pag-aaral mula sa National Library of Medicine, ang breastfeeding ay nakatutulong din sa pagpapababa ng Postpartum Depression (PSD) sa mga ina.

5. Sa kaparehong pag-aaral, ang breastfeeding ay kinokonsiderang unique na paraan na nagpapalakas sa relasyon ng ina at sanggol, na nagreresulta sa mababang social at behavioral problems paglaki nito.

6. Ang breastfeeding ay nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo sa ina at sanggol sa aspetong pang-nutrisyon, pang-matagalang kalusugan, pang-sikolohiya, maging ang relasyon ng mag-ina.

Ang mga platapormang naglulunsad ng mga programa sa pagpapalawig ng breastfeeding sa bansa ay mahalagang mailunsad ng epektibo kung saan ito’y magkakaroon ng dagsang suporta sa iba pang organisasyon at ahensya ng gobyerno para sa magandang kapakanan ng mga ina at sanggol sa bansa.

Sean Antonio/BALITA