December 15, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ang katotohanan sa likod ng pagpulandit sa hiyas ng kababaihan

ALAMIN: Ang katotohanan sa likod ng pagpulandit sa hiyas ng kababaihan
Photo Courtesy: Freepik

Sa loob ng mahabang panahon, laging napag-uukulan ng maling pananaw o misconception ang katawan ng kababaihan, partikular ang kanilang ari.

Hindi naman ito nakapagtataka dahil ang bawat lipunan sa bawat bansa ay hinulma ng patriyarkal na kultura, mula sa tahanan hanggang sa iba’t ibang area ng larangan.

Ibig sabihin, ang anomang mga paniniwalang kinagisnan sa kasalukuyan ay itinakda halos ng kalalakihan na silang may hawak ng kapangyarihan sa loob ng mahabang panahon.

Halimbawa, sa aklat ng Leviticus sa Bibliya, matatagpuan ang isang kabanata kung saan sinasabing marumi umano ang babaeng nireregla ng pitong araw. 

Human-Interest

Ambagan nauwi sa Jombagan: Lalaki, binugbog dahil hindi nag-ambag sa Christmas party?

“Ang anumang kanyang mahigaan o maupuan sa loob ng panahong iyon ay ituturing na marumi. Ang sinumang makahipo sa higaan niya ay dapat maligo, lalabhan nito ang kanyang kasuotan, at siya'y ituturing ding marumi hanggang gabi,” saad sa Leviticus 15:20-22.

Ngunit kung pagbabatayan ang artikulo ng Healthline tungkol sa regla, ang dugong inilalabas umano ng isang babae ay hindi “rejected bloody fluids.” Hindi rin umano ito isang paraan upang alisin ang toxins sa katawan.

Mas maganda umanong tingnan ito bilang “evolved vaginal secretion.” Ang regla ay kombinasyon ng kaunting dugo, uterine tissue, mucus lining, at bacteria. 

Sa katunayan, mas kaunti pa nga ang blood cells na matatagpuan sa regla kaysa sa karaniwang dugo na dumadaloy sa mga ugat ng tao.

Bukod dito, isa rin sa paboritong pagdiskitahan ng mga lalaki ay ang female orgasm. 

Sa comic book na “Pukiusap” ni Liv Strömquist, isang Swedish artist, na isinalin ni Bebang Siy sa Filipino, matutunghayan dito kung paano tinitingnan ng lipunan ang orgasm ng babae bilang isang komplikadong bagay, mahirap maabot, at higit sa lahat, hindi gaanong mahalaga kumpara sa orgasm ng kalalakihan.

Itinuturing pa nga raw ni Sigmund Freud, kinikilalang ama ng psychoanalysis, na immature ang babae kung pagkiliti lang sa tinggil ang paraan nito para maabot ang rurok ng kaluwalhatian.

Sa madaling sabi, para kay Freud, saka lang umano maikokonsidera ang isang pagtatalik kung nagkaroon ng penetration ang ari ng lalaki sa hiyas ng babae. 

At kung walang kakayahan ang babaeng labasan sa ganitong paraan, itinuturing siya ni Freud na frigid o hindi nasisyahan sa akto ng bembangan.

Pero ano nga ba ang likidong lumalabas sa babae kapag naabot niya ang rurok ng kaluwalhatian?

Ayon sa aklat ni Strömquist, halos buong siglo umanong pinaniniwalaan noong 20th century—at maski hanggang ngayon—na ito raw ay isang hindi mapigilang ihi.

Kaya pinagbawal umano sa mga pelikulang porn sa United Kingdom ang pagpapakita ng female orgasm dahil sa paniniwalang ihi nga ang inilalabas nito sa rurok ng pakikipagtalik, na malaswa at masagwa sa paningin nila.

Samantala, batay naman sa komprehensibong pag-aaral na ginawa ng French gynecologist na si Samuel Salama, natuklasan niyang totoong may mga kemikal na karaniwang makikita sa ihi sa likidong lumalabas kapag naabot na ng babae ang rurok ng kaluwalhatian.

Nagiging posible ang pag-abot sa kaluwalhatiang ito kung hahanapin ang G-spot o clitoris ng babae. Sabi ng certified sex coach na si Gigi Engle, pare-parehong nasa iisang lokasyon ang Skene’s glands, G-spot, at urethral sponge.

“Typically, if you stimulate one thing, you likely stimulate them all,” paliwanag niya.

Pero hindi umano lahat ng pumupulandit sa hiyas ng babae ay magkakapareho. Bagama’t masasabing ang inilalabas ng ilan ay mukhang diluted na ihi lang, sa iba naman ay naglalaman ng mga tanda ng kung anong substance mula sa sa tinatawag na “controversial female prostate.”

Sa ibang kaso naman, base sa artikulo ng WebMD, maaaring ito raw ay matataas na lebel ng glucose at prostate-specific antigens (PSAs) na mula sa Skene's glands. 

Ayon sa mga nakakaranas ng squirting, ang likidong lumalabas umano sa kanila ay hindi kahawig, kaamoy, o kalasa ng ihi. Kaya mas ligtas daw sabihing tulad ito ng ihi ngunit hindi kapareho.

Komplikado pa rin ba?

Magulo?

Sabi nga ni Strömquist sa libro niya, ba’t kasi hindi na lang hayaang umiral ang tinggil at puki sa sarili nitong identity?