May panukala si Sen. Erwin Tulfo tungkol sa pagbibigay ng benepisyo para sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa kaniyang pahayag nitong Linggo, Agosto 3, 2025, iginiit niyang mas mainam umanong magbigay na lamang ng puhunan para mapagkakitaan ng 4Ps beneficiaries kaysa sa pagbibigay ng buwanang cash aids.
“If we give them capital, they can use it to start businesses and contribute to the economy. We can provide them enough funds to start a sari-sari store, an eatery, or even engage in online selling,” ani Tulfo.
Paglilinaw pa ni Tulfo, mas magiging mainam daw ito upang hindi na raw matawag na pabigat lamang sa gobyerno at tamad ang mga benepisyaryo ng 4Ps na nag-aantay lamang daw ng buwanang ayuda.
“It is also hard for them to hear that they are being called freeloaders, lazy, and that they do not add value to the country,” aniya.
Dagdag pa ng senador, tila hindi rin daw patas para sa mga low-wage earners na patuloy na nagtitipid kahit na may trabaho at wala raw nakukuhang tulong mula sa gobyerno—bagay na malayo sa pribilehiyo ng 4Ps members.
“It is also unfair to low-wage earners like security guards, janitors, or house helpers who tighten their belts due to lack of funds but receive nothing from the government, such as 4Ps, since they are not qualified,” anang senador.
Ayon sa dato sng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa mahigit isang milyong Pilipino na ang benepisyaryo ng 4Ps na tumatanggap ng buwanang tulong pinansyal sa gobyerno noong 2024.