December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rufa Mae, nakiusap na huwag gawing 'content' pagkamatay ni Trevor

Rufa Mae, nakiusap na huwag gawing 'content' pagkamatay ni Trevor
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (IG)

Umapela ang Kapuso comedy-sexy star na si Rufa Mae Quinto na huwag daw sanang gawing "content" sa social media ang dahilan sa likod ng pagpanaw ng kaniyang mister na si Trevor Magallanes.

Matatandaang noong Lunes, Hulyo 31, sumambulat ang balitang sumakabilang-buhay na ang asawa ni Peachy, sa hindi pa malinaw na dahilan.

Ayon kay Rufa Mae, bilang legal na misis ni Trevor, siya raw ang maglalabas ng opisyal na pahayag patungkol sa pagkamatay nito.

KAUGNAY NA BALITA: Rufa Mae, 'biyuda' ni Trevor: 'Walang nag-file sa amin ng annulment!'

Tsika at Intriga

Bianca dadalhin sa langit si Will, si Dustin naman sa impiyerno

Kahit na inamin na nilang pareho na naghiwalay na sila dahil din sa hindi malinaw na rason, ipinagdiinan ni Rufa Mae na siya pa rin ang legal na asawa ni Trevor dahil kasal pa rin sila at hindi naman sila naghain ng annulment.

"Maraming Salamat sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pakikiramay."

"As we cautiously navigate through this emotionally difficult period in our lives, we would appreciate discretion from everyone."

"Nakikiusap ako na huwag naman po ninyong gamitin ang pangyayaring ito para magkaroon lamang kayo ng ‘content,'" pakiusap ni Peachy.

Muling sinabi ni Rufa Mae na bilang legal na asawa ni Trevor, lahat daw ng mga detalye at impormasyon tungkol sa pagkamatay niya ay nararapat lamang daw na magmula sa kaniya.

"As the wife of Trev, all information surrounding his passing will come from me. Ang lahat ng detalye ay maaari ko lang maibigay sa tamang oras."

"For the sake of our daughter, Athena, please refrain from spreading unverified information that she can access through social media."

"Let us just remember the good times that we had with my husband, Trev," pakiusap pa ng komedyana.

Bandang Disyembre 2024, nagulat na lamang ang mga netizen sa balitang hiwalayan nilang dalawa.

Matatandaang nauna nang inanunsiyo ni Trevor sa pamamagitan ng Instagram story na gumugulong na raw ang proseso ng kanilang divorce, sa hindi naman ipinaliwanag na dahilan.

"'I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce. You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents," mababasa sa Instagram story ni Trevor.

“All that matters [to] me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena. Happy holidays!”

KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Rufa Mae Quinto, inaasikaso na ang kanilang divorce

Bagama't noong una ay itinanggi, inamin din kalaunan ni Rufa Mae na totoong nagkalabuan sila ng mister at ayaw na raw niyang ipilit ang sarili rito, kahit na mahal pa niya. Hindi naman dinetalye ni Peachy ang dahilan ng kanilang hiwalayan, bagama't naniniwala raw siyang walang kinalaman ang third party rito.

KAUGNAY NA BALITA: Rufa Mae Quinto, naniniwalang walang ibang babae si Trevor Magallanes