Nagbigay ng pahayag sa kaniyang social media account ang GMA Integrated News reporter na si EJ Gomez tungkol sa nag-viral niyang typhoon-proof makeup noong Biyernes, Agosto 1.
Sa kaniyang Facebook story, nagbahagi ng pasasalamat si Gomez sa mga natanggap na atensyon mula sa mga netizen tungkol sa kaniyang tila, “plakadong makeup” sa kasagsagan ng mga ulat sa bagyo.
“I’m beyond grateful for all the recognition I’m getting po. Two weeks of my life has never been this wild. I’ve been in awe; I’ve been so overwhelmed–in a very positive way. There are times it’s getting hard to process everything. At some point, it’ll cross my mind ‘What did I do to deserve this?’ I just do my job in the best way I know how,” parte ng kaniyang mensaheng pasasalamat.
Sa kamakaila’y nag-viral post sa social media, mga screenshot ng reporter sa telebisyon ang umani ng mga komento kung saan tila agaw-pansin ang kaniyang makeup at “facecard” habang naguulat ng mga kaganapan sa bagyo.
“Ang mima ko na atake lagi ang facecard.”
“Serving facecard while serving the country.”
“Drop po link ng setting spray.”
Nagbigay din ng pahayag o “Open Letter on ‘Setting Spray Reveal’ Concerns” si Gomez sa kaniyang social media.
“As a news personality po, I just want to look good on and off cam whenever in the field. I fix my face, my self, bago pumasok. At kapag trabaho na, talagang trabaho na po. Speaking truthfully, my face is among the least of things I think of once I’ve switched on my hustle button. Keber na po sa init, pawis, ulan o baha kapag nagtatrabaho na, lalo na kapag intense po ang mga kaganapan,” parte ng kaniyang mahabang saad.
Ang “Open Letter” na ito ay dinagsa rin ng magagandang komento mula sa netizen.
Sa kaugnay na balita, matatandaang naging laman ng balita ang iba pang reporters sa kasagsagan ng sunod-sunod na pananalasa ng habagat at mga bagyo noong Hulyo.
Ang ilan dito ay sina Izee Lee ng ABS-CBN News dahil sa kaniyang, “hanggang binti ang tuhod” mula sa kaniyang live coverage sa Taft Avenue sa Maynila.
Nariyan din sina Bernadette Reyes at Saleema Refran ng GMA News dahil sa pag-alma ng una sa social media dahil sa “pagiging pabida raw niya” ayon sa mga netizen, at si Saleema naman sa kaniyang “drive-thru interview” dahil sa pag-interview sa gitna ng daan.
At si Nico Waje na mula rin sa GMA News dahil sa kaniyang “pagpapakilig” sa mga netizen dahil sa “wet looks” at “charming” na pagbabalita nito.
Nagpahayag naman si ABS-CBN News anchor Kat Domingo patungkol sa hindi raw dapat appearance ng reporter ang tinitingnan sa pagbabalita kundi ang kaniya mismong balita, bagay na inintriga naman ng mga netizen na baka pa-shade daw niya sa pagba-viral ni Nico.
Sa huli, sinabi ni Kat na wala siyang masamang tinapay kay Nico at hindi niya binibira ang nabanggit na GMA news reporter.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: News reporters na usap-usapan ngayong tag-ulan
KAUGNAY NA BALITA: News reporter, inatake matapos umanong patutsadahan si Nico Waje
Sean Antonio/BALITA