December 13, 2025

Home BALITA Metro

Maynila, nakapagtala na ng 30 kaso ng leptospirosis; 110 kaso ng dengue

Maynila, nakapagtala na ng 30 kaso ng leptospirosis; 110 kaso ng dengue
FILE PHOTO

Iniulat ng Manila City Government na nakapagtala na sila ng 30 kaso ng leptospirosis at 110 kaso ng dengue sa lungsod, kasunod na rin ng mga pag-ulan at pagbaha nitong mga nakalipas na araw.

Sa datos ng Manila LGU, ang naturang bilang ay naitala hanggang nitong Biyernes, Agosto 1.

Nabatid na sa 30 kaso ng leptospirosis, apat na ang kumpirmadong nasawi.

Nasa 16 pa naman sa mga pasyente ang kasalukuyan pang naka-confine, kabilang ang tatlo na naka-admit sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; isa sa Justice Jose Abas Santos General Hospital; pito sa Ospital ng Maynila Medical Center at lima sa Sta. Ana Hospital.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Samantala, sa 110 total cases ng dengue, isa ang kumpirmadong nasawi.

Nasa 20 pang mga pasyente ang kasalukuyang naka-confine sa pagamutan, kabilang ang siyam na nasa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; isa sa Ospital ng Tondo; isa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital; anim sa Ospital ng Maynila Medical Center at tatlo sa Sta. Ana Hospital.

Kaugnay nito, patuloy naman ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na maging maingat at panatilihing malinis ang kapaligiran upang makaiwas sa mga naturang sakit.

“Patuloy ang paalala ng pamahalaang lungsod na mag-ingat, panatilihing malinis ang kapaligiran, at agad kumonsulta sa doktor kung may nararamdamang sintomas,” ayon pa sa LGU.