December 13, 2025

Home FEATURES

Lalaking tumataya na sa lotto mula pa 1997, jumackpot na ng ₱57 milyon!

Lalaking tumataya na sa lotto mula pa 1997, jumackpot na ng ₱57 milyon!
PCSO

After 28 years, jumackpot na rin sa lotto ang isang lalaki mula sa Quezon City! 

Sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), napanalunan ng lone bettor ang ₱57,030,072 jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noon pang January 1.

Nahulaan niya ang winning combination na 06-41-29-12-02-15.

Nitong July 16 lang niya kinubra ang premyo. Kuwento niya, hindi nagalaw ang mga lotto ticket na pinagtayaan niya sa mga nakalipas na anim na buwan. Nilalagay lang daw niya kasi ito sa bag niya at nang maalala niya ang mga ito, doon lang niya isa-isang chineck online ang mga winning numbers. 

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

“Some of the tickets matched three numbers,” anang lotto winner sa PCSO. “But when I got to this one, I instantly recognized the numbers. I stayed quiet for a while, double-checked them online, and my hands started shaking when I realized I really had the winning combination.” 

Nanalo ang lone bettor sa pamamagitan ng Lucky Pick combination. 

Gagamitin aniya ang napanalunan sa pagbabayad ng utang at para sa kinabukasan ng kaniyang mga anak na nasa kolehiyo na.

“Thank you, PCSO, for this life-changing blessing. This is the answer to our prayers," pahayag pa sa  lucky winner.