Hindi umano mula sa bulag na pagdepensa o loyalty ang ginagawang pagtatanggol ni Kakie Pangilinan sa tuwing pinaputakti ng batikos ang ama niyang si Senador Kiko Pangilinan.
Sa katunayan, ayon sa panayam ni Kakie sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Agosto 1, ibinahagi niya kung anong uri ng ugnayan ang mayroon sila ni Kiko bilang mag-ama.
“Kami po ni Dad, most often we’re the ones who argue at home, which is why I think tuwing dine-defend ko po daddy ko, hindi po siya blind defense, loyalty, whatever,” saad ni Kakie.
Ayon pa kay Kakie, noong 12-anyos siya kung kailan pumutok ang pork barrel scam, tiniyak daw talaga kung sangkot ang ama sa naturang political scandal .
“I was prepared to confront him, which is kind of like cute ‘cause it’s like you’re 12. What are you going to do realistically?” aniya.
Dagdag pa ni Kakie, “But, you know, I think that says something about the kind of house we were raised in now. Our parents made sure that we knew we could come to them with anything. We could hold them accountable.”
Gayunman, nilinaw ni Kakie na ang tinutukoy niyang pagtatalo nila ni Kiko ay isa lang diskusyong maituturing o palitan ng opinyon.
“It’s never something na gusto n’yong saktan ‘yong isa’t isa,” aniya.
Matatandaang kilala si Kakie sa pagbibigay niya ng opinyon sa politika at lipunan.
In fact, sa isang panayam matapos ang 2022 presidential elections, tahasan niyang inihayag na hindi raw niya kikilalaning pangulo ang noo’y nagwaging si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Dahil dito, binuweltahan tuloy siya at hinamon ng sumikat na panelista sa SMNI debates at UP professor na si Prof. Clarita Carlos na pangatwiranan ang tindig niyang ito.
MAKI-BALITA: Kakie Pangilinan, di raw kikilalanin si BBM bilang pangulo; Prof. Clarita Carlos, nagbigay ng hamon