Lumikha ng espekulasyon ang bagong inilabas na kanta ni singer-songwriter Rico Blanco na pinamagatang “Paalam.”
Inilunsad ni Rico ang bago niyang single sa kaniyang YouTube Channel noong Biyernes, Agosto 1.
Kung pakikinggan ang nasabing kanta, pinapaksa nito ang pamamaalam sa isang kaibigan na bagama’t umalis na o lumisan ay inaasahan pa ring matatagpuan muli sa tamang panahon.
Suspetsa tuloy ng ilan, handog ito ni Rico para sa kapatid niyang si King na pumanaw noong Mayo. Narito ang mga komento ng netizens:
"I feel like the song is for KING, his brother who passed away. Hugs, Rico."
"Paalam Classmate 'Rey (King) Blanco' , Paalam Kaibigan"
"Grabe ang emosyon Umiiyak cguro si kuy rics habang ginagawa nya tong kantang to"
"This song is for his brother"
"nararamdaman nga natin ang bigat at lungkot ng kanta, ano pa kaya sa nagsulat"
"Remembering King"
"This really sound like for kuya Rey..""Condolences to you rico... nakakaiyak!"
Matatandaang kapapasok pa lang noon ng 2025 nang ibahagi ni Rico ang aniya’y toughest battle ng kaniyang pamilya.
Sa kaniyang Facebook post noong Enero 23, sinabi niyang nakatanggap daw sila ng katakot-takot na balita dalawang linggo ang nakararaan tungkol sa kapatid niyang si King.
“A few weeks ago we received the terrible news that he has cancer. The signs all came too rapidly and seemingly out of nowhere, and by the time we got the full diagnosis, we were told he already has an advanced and very aggressive type of squamous cell carcinoma (sinus),” saad ni Rico.
Kasunod nito ay umapela siya ng panalangin para maipanalo nila ang labang ito.
MAKI-BALITA: Utol ni Rico Blanco, na-diagnose na may cancer: 'Please help us win'