Tila nakaganti na ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga kay Kapamilya star Maris Racal dahil sa ginawa nitong pag-nominate sa kaniya sa “Pinoy Big Brother: All In” noong 2014.
Sa latest Facebook post ni Alex noong Biyernes, Agosto 1, ibinahagi niya ang larawan ng muli nilang pagsasama ni Maris makalipas ang isang dekada.
“Congrats Sunshine!! After 10 years nagsama din ulit kami sa labas ng bahay ni Kuya. Ngayon ko lang isusumbat ang pag nominate nya sakin sa loob kahit house guest lang ako ” saad ni Alex.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang hirit ni Alex mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Di naka move-on "
"Patay Kang bata ka "
"sumbat kana maam"
"Hahaha ok lang yan past is [past]"
"Haha masaket padin pala di naka move "
"Hahaha tlgaa d malilimutan"
"Parang ,,magkahawig na kayu mam,, parehas maganda ehh"
Matatandaang kinailangan na ni Alex lumabas noon sa Bahay ni Kuya dahil may naghihintay na trabaho sa kaniya sa outside world. Siya ang tumatayong co-host ni Luis Manzano sa “The Voice Kids.”
Bukod dito, nakatakda rin siyang bumida sa magsisimula pa lang noong Kapamilya teleserye na pinamagatang “Pure Love.”
Gayunman, sa kabila ng maikling panahong ginugol sa Bahay ni Kuya, natuklasan umano ni Alex na marunong siyang gumawa ng balsa matapos itong italaga bilang task.