Ipinagdiriwang ang “White Cane Safety Day” tuwing Agosto 1 sa buong Pilipinas, bilang paggalang at pagpapalaganap ng respeto sa mga bulag, ayon sa National Council on Disability Affairs.
Makikita sa Facebook post ng NCDA ang kahalagahan ng pag-alala at pagtaguyod sa layunin ng White Cane Act.
Kabilang sa mga layuning nabanggit ang mga sumusunod:
1. Itaguyod ang Kamalayan
Paalalahanan ang lahat tungkol sa mga hamong kinahaharap ng mga bulag.
2. Igalang ang White Cane
Kilalanin at tanggapin ang White Cane bilang simbolo ng kalayaan at mobility ng mga bulag.
3. Magpaalala ng Tungkulin
Paalalahanan ang publiko na alagaan at igalang ang mga bulag sa ating komunidad.
4. I-promote at Protektahan
Itaguyod ang pisikal, moral, at sosyal na kapakanan ng mga bulag.
Ang “White Cane Safety Day” ay ipinagdiriwang sa buong kapuluan alinsunod sa Republic Act 6759 ng 1989.
Vincent Gutierrez/BALITA