December 21, 2025

Home BALITA National

Truck driver na sanhi ng pagguho ng tulay sa Isabela, kakasuhan!

Truck driver na sanhi ng pagguho ng tulay sa Isabela, kakasuhan!
FILE PHOTO

Sasampahan ng reklamo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang driver ng truck na dumaan sa Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela, na naging dahilan umano ng pagbagsak nito noong Pebrero. 

Ibinahagi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan sa GMA News na tapos na ang techinical investigation nila sa bumagsak na P1 bilyong halagang tulay at inirekomendang magsasampa sila ng reklamo. 

Inaasahang ngayong linggo na maisasampa ng ahensya ang reklamong civil at criminal laban driver ng truck.

“Ang recommendation namin already is to file actually yung mga civil cases against  yung mga what we know na medyo may kulang sa paggagawa. Let's say sa contractor, designer and of course yung truck na nakasira,” ani Bonoan. 

National

Parang ang bilis? Doctor-health columnist, napatanong sa 'DNA analysis' kay Catalina Cabral

Samantala, kung babalikan, isa sa mga nabanggit ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ay ang patungkol sa Cabagan-Sta. Maria bridge.

"Sa mga proyekto, hindi natin papayagan at palalampasin ang mga katiwalian sa pangangasiwa; Ang kapalpakan sa pagdisenyo at sa pagkakagawa; Ang mababang kalidad at marupok na materyales; Ang pagkaantala ng proyekto; at ang kapabayaan sa tamang pagmentina at pagkumpuni," saad ni Marcos.

"Halimbawa, sa Cabagan-Sta. Maria bridge sa Isabela na sinimulan noong 2014. Ginastusan ng taumbayan ng isang bilyon. Sampung taong tinayo. Noong buksan, ilang araw pa lang, giba na agad. Napakamahal. Ang tagal ginawa. Ang bilis nasira," dagdag pa niya.

Matatandaang noong Pebrero 27 nang bumagsak ang naturang tulay dahil sa pagdaan ng dump truck, kung saan tinatayang anim na katao ang sugatan. 

"The 3rd Span (from Cabagan side) with a length of 60m of the Arch bridge of Cabagan-Sta. Maria Birdge, along Cabagan-Sta. Maria Road, Isabela, collapsed when a dump truck carrying boulders with a calculated approximate gross vehicle weight (GVW) of around 102 tons passed on it," anang DPWH-Region 2.

BASAHIN: 6 sugatan sa gumuhong bagong gawang tulay sa Isabela

Ang Cabagan-Sta. Maria Bridge ay sinimulan ng DPWH noong Nobyembre 2014 at natapos nito lamang Pebrero, na ang kabuuang halaga ng proyekto mula sa tulay at approaches ito ay umabot sa P1,225,537,087.92.