January 26, 2026

Home BALITA

Solon na naispatang nanonood ng e-sabong, ‘di babalewalain ng House Ethics Committee

Solon na naispatang nanonood ng e-sabong, ‘di babalewalain ng House Ethics Committee
Photo courtesy: screengrab from contributed video, contributed photo

Inihayag ni House Ethics Committee Chairman Rep. JC Abalos na hindi raw nila babalewalain ang nag-viral na larawan ni AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones habang nanonood ng e-sabong sa sesyon ng Kamara.

Sa kaniyang panayam sa media nitong Biyernes, Agosto 1, 2025, iginiit niyang may tama raw na pagwawasto para sa hanay ng mga mambabatas para sa mga lalabag sa kanilang mga tungkulin.

“Kung may pagkakamali po, mayroon tayong tamang paraan ng pagwawasto. [Hindi] po natin babalewalain ang insidenteng ito,” ani Abalos.

Pagsisiguro niya pa, “Asahan n’yo po na tutuparin ng komite ang aming tungkulin.” .

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang nasabing larawan ni Briones na agad naugnay sa espekulasyon hinggil sa kontrobersyal na kaso ng e-sabong at mga nawawalang sabungero.

KAUGNAY NA BALITA: Solon, naispatang nanonood ng online sabong sa sesyon ng HOR

Kaugnay nito, noong Miyerkules, Hulyo 30, nang aminin ni Briones na siya ang nasa likod ng viral photo ngunit nilinaw niyang napasahan lang daw ng video ng nasabing e-sabong at hindi raw siya parokyano ng online sugal.

“May nag-message sa akin sa Messenger. So, tiningnan ko lang naman. Hindi ko naman akalain na mayroon palang magkukuha nung aking mga private messages. So nagulat na lang ako dahil alam ko naman mayroon talagang hindi dapat tinitignan pero okay lang ‘yon dahil malinis ang konsensya ko,” ani Briones.

KAUGNAY NA BALITA: AGAP Partylist Rep. Briones, umalma sa viral photos; nanood lang pero ‘di tumaya!