Ready na ang Victoria Court sa mga gustong "magbakbakan" dahil available na ang kanilang mga boxing-ring inspired rooms na tiyak mae-enjoy ninyo!
Ibinahagi nila sa kanilang Facebook post makikita ang themed-rooms sa North Edsa branch nila ang mistulang boxing court.
“Victoria Court North Edsa has got your back for a staycation you won’t forget. Vibe out or throw down—it’s your call,” anang Victoria Court.
Ang kuwarto ay may dalawang pares ng boxing gloves at may maliit ding punching bag. At ang kama, puwedeng pagbakbakan.
Pero ang kakaiba rito, walang referee sa bawat kuwarto, kung magrambol at magbakbakan kayo sa gusto ninyong paraan.
Tiyak magiging memorable ang “boxing experience” mo dito dahil sinisigurado nilang ibibigay nila ang staycation na tiyak hindi malilimutan.
I-set niyo na ang rambol at bakbakan!
Matatandaang noong Hulyo 19, 2025, nang bumalik sa boxing ring si Pambansang Kamao at 8 Division World Boxing Champion na si Manny Pacquiao at lumaban sa American boxer na si Mario Barrios, kung saan nagwagi si Barrios via majority draw.
Kasunod nito, inabangan din ang bakbakan sa pagitan nina PNP Chief Nicolas Torre III at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, kung saan idineklarang panalo si Torre matapos hindi sumipot ni Duterte.
Vincent Gutierrez/BALITA