Nasakote ng pulisya ang isang 29 taong gulang na lalaking nagpuslit at gumamit ng ilegal na droga sa loob ng banyo sa bus terminal sa Cebu City noong Huwebes, Hulyo 31, 2025.
Ayon sa mga ulat, nahuli sa mismong akto ng pagsinghot ng shabu sa loob ng CR na pambabae ang suspek.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagsasagawa raw noon ng inspeksyon ang security guard ng nasabing terminal nang mahuli niya ang suspek sa loob ng banyo ng mga babae kung saan agad siyang naaresto.
Narekober sa suspek ang ilang drug paraphernalia katulad ng Aluminum tinfoil, two lighters, curved tinfoil at improvised tooter.
Pauwi na raw sana noon ang suspek nang sumalisi muna siya sa banyo upang humithit ng shabu.
Nasa kustodiya na siya ng Carbon Police Station na nahaharap sa reklamong paglabag sa Section 12, Article II, ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.