December 14, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dustin Yu, excited nang maligawan si Bianca De Vera

Dustin Yu, excited nang maligawan si Bianca De Vera
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ni Kapuso Sparkle artist ang nabuong ugnayan sa pagitan nila ng kapuwa niya ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Bianca De Vera.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Huwebes, Hulyo 31, sinabi ni Dustin na si Bianca umano ang tumulong sa kaniya na mapagaan ang mabigat na journey sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Kasi ang hirap talaga sa Bahay ni Kuya, nakakapagod,” saad ni Dustin. “Ang daming challenges na mararanasan.”

Dagdag pa ng aktor, “[S]obrang suwerte ko na nandiyan si Bianca talaga. At hindi lang ‘yon love team talaga. [...] Na-build talaga siya from the scratch.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Ngunit nilinaw ni Dustin na hindi pa raw niya nililigawan si Bianca kahit noong makalabas sila sa Bahay ni Kuya.

“Hindi pa kami. [...] Ako, excited akong mapunta ako do’n sa point na liligawan ko siya. Pero ngayon, ayaw ko lang talaga mawala ‘yong nabuo sa amin sa Bahay ni Kuya,” ani Dustin.

Ayon sa kaniya, bagama’t wala raw silang label, masaya siya sa kung anoman ang kasalukuyang mayroon sa kanilang dalawa ni Bianca.

Kaya naman hindi na rin nakapagtatakang si Bianca ang pinili ni Dustin na makasama para sa GMA Gala 2025 sa darating na Sabado, Agosto 2.