December 14, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Direk Tonet, dinepensahan si BINI Jhoanna matapos putaktihin ng bashers

Direk Tonet, dinepensahan si BINI Jhoanna matapos putaktihin ng bashers
Photo Courtesy: Tonet Jadaone, Jhoanna Robles (IG)

Ipinagtanggol ni award-winning director Tonet Jadaone si BINI Jhoanna Robles matapos kuyugin ng bashers dahil sa kuda nito sa pelikula niyang “Sunshine.”

Matatandaang hindi nagustuhan ng marami ang ibinahaging review ni Jhoanna patungkol sa pelikula ni Direk Tonet bagama’t pinuri naman niya ito.

Parang hindi raw kasi nakuha ng naturang BINI member ang gustong ipahiwatig ng “Sunshine” sa mga manonood nito.

Ani Jhoanna sa kaniyang Instagram story, “Congrats po Direk [Tonet] and thank you po for sharing this movie to everyone. Kailangan 'to lalo na ng generation namin. And to ate [Maris Racal], napakahusay n'yo po.”

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

"I love how it tackled mental health na kapag 'yan na 'yong tinitira, ang lakas-lakas na ng loob nating gumawa ng mga bagay na ikapapahamak natin,” dugtong pa ng BINI member.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon sa X ang hanash ni Jhoanna. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Parang may mali miss Jhoanna parang mental health yung takeaway niya sa Sunshine when it tackled safe sex and abortion as healthcare. Sunshine's mental state in the movie is actually stable mhiema"

"access to safe sex and abortion kasi yung tema ng sunshine madam @bini_jhoanna"

"disappointed w/ bini jhoanna’s take on sunshine haha baka need ng bini ng overall situationer ng reproductive health and rights sa pinas. I can be a tribute po Though sana naintindihan talaga niya ung movie and sana nag ingat lang siya? idk halatang anti-abortion ung stance"

"'Huwag natin ipagpalit ang future natin sa pansamantalang happiness.' So I guess hindi nya naintindihan ang gustong iparating ng Sunshine.  Baka kailangan pa i educate si Jhoanna about abortion, female reproductive health topic. There’s lacking."

"akala siguro ni miss maam jhoanna literal na hallucination ni Sunshine sina Annika at Ariana HELPPPPPP"

"jhoanna i love u sm but what movie did u watch disappointing to see u have such a conservative take on Sunshine. I hope you look into more discussions about the film and what it really adresses because it seems you've might have missed the point "

"Medyo magkaiba kami ng atake ni Jhoanna sa movie at napadouble take ako if pareho nga kami ng pinanood. Hehe. Anyway, watch Sunshine! It's a film that provokes and propels us to debate, disturbs the comfortable, and comforts the disturbed."

Kaya sa X post ni Direk Tonet noong Huwebes, Hulyo 31, sinabi niyang baka hindi pinahihintulutan si Jhoanna na maghayag ng opinyon patungkol sa abortion kaya mas tinutukan nito ang isyu ng mental health na nakasapin sa pelikula.

“[I]’m surmising these girls can’t just openly express opinions on abortion or other polarizing issues, so jho just shared whatever touched her most deeply in sunshine (she posted it just mins after watching, naiyak sila ng nanay nya) ” saad ni Direk Tonet.

Dagdag pa niya, “‘[T]he author is dead’ kaya pag napanood nyo na, sa inyo na, kay jho na ang sunshine. (smiley) salamat jho sa panonood at laging pag-support!!”

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Jhoanna sa kaniyang IG story dahil sa mga nasabi niya tungkol sa pelikula. Ngunit pinasalamatan naman niya ang mga nagbigay ng constructive feedback.

“I’m always open to thoughtful discussions and learning from different perspectives. Thank you everyone,” pahabol pa niya.

Nakasentro ang kuwento ng “Sunshine” sa isang dalagang gymnast na nakatakda sanang lumahok sa Olympics bilang pambato ng Pilipinas ngunit kalaunan ay natuklasan nitong buntis siya.