December 13, 2025

Home FEATURES

BALITAnaw: Ang 'death anniversary' ng 2 naging Pangulo ng bansa sa unang araw ng Agosto

BALITAnaw: Ang 'death anniversary' ng 2 naging Pangulo ng bansa sa unang araw ng Agosto
Photo courtesy: via MB, AP News

Kilala ang buwan ng Agosto sa pagdiriwang ng dalawang okasyong may malaking ambag sa pagkakakilanlan ng Pilipinas—at ito ang buong buwan ng selebrasyon para sa Wikang Filipino at ang paggunita sa kabayanihan ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa bansa.

Ngunit sa pagtungtong ng unang araw ng Agosto, may dalawa pang pangyayari ang siyang nagmarka sa kasaysayan ng Pilipinas. Dalawang pangyayaring naganap sa magkaibang panahon, ngunit nag-iwan ng marka ng kahapon. 

Ang pagkamatay ng nina dating Pangulong Manuel Quezon at Cory Aquino

Taong 1944 nang bawian ng buhay ang Ama ng Wikang Pambansa na si dating Pangulong Manuel Quezon dahil sa sakit na pulmonary tuberculosis.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Ang noo’y Pangulo ng Pilipinas, ay pumanaw sa dayuhang bansa sa Estados Unidos at bigong makabalik sa sariling bayan bunsod ng noo’y naghahari-hariang pananakop ng mga Hapones. Nasa 65 taong gulang noon si Quezon nang siya ay pumanaw.

Pansamantala mang inilagak sa Arlington National Cemetery sa Virginia, taong 1946 nang maiuwi ang mga labi ni Quezon matapos ang World War II. 

Mahigit limang dekada ang lumipas (57 taon), isa pang dating Pangulo ng bansa ang tuluyang humimlay sa araw ng Agosto 1—ang Ina ng Demokrasya.

Noong Agosto 1, 2009, sa Makati Medical Center tuluyang pumanaw si dating Pangulong Corazon Aquino bunsod ng cardiorespiratory arrest dulot ng komplikasyon sa  colorectal cancer.

Si Aquino ang unang babaeng Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan noong 1986-1992. At ang kaniyang pagkamatay? Ay tila muling gumising sa ala-ala ng taumbayan matapos dagsain ng tinatayang 150,000 tagausporta na sumama sa kaniyang maghatid hanggang sa kaniyang huling hantungan.

Sa kasalukuyan, nakalagak sa kaniyang museo ang mga labi ni Quezon sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City habang nasa tabi naman ng kaniyang asawang si dating senador Benigno Aquino Sr. si Cory sa Manila Memorial Park sa Parañaque. 

Si Quezon na Ama ng Wikang Pambansa at Aquino na Ina ng Demokrasya, bagama’t nanungkulan man ng magkaibang panahon, ay pareho naman lumikha ng iisang kuwento sa kasaysayan ng Pilipinas matapos ang kanilang pagpanaw bunsod ng karamdaman.

Inirerekomendang balita