December 21, 2025

Home BALITA National

2.1% ang itinaas! Utang ng 'Pinas, pumalo ng ₱17.27 trilyon

2.1% ang itinaas! Utang ng 'Pinas, pumalo ng ₱17.27 trilyon
photo from: Presidential Communications Office

Tumaas ng 2.1 porsyento ang utang Pilipinas sa pagtatapos ng Hunyo 2025, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Sa inilabas na Press Release ng BTr nitong Hulyo 30, makikita na ang total outstanding debt ng bansa ay lumobo ng ₱17.267, mas mataas mula sa ₱16.918 trilyon noong Mayo 2025, at mas mataas ng 11 porsyento kumpara sa ₱15.483 trilyon noong Hunyo 2024.

Paliwanag ng BTr na ang naturang paglobo ng utang ay dahil sa "strong investor demand for government securities."

Pumalo sa ₱11.95 trilyon ang domestic debt, na tumaas ng 1.4 porsyento mula noong Mayo, habang ang external debt ay nasa ₱5.32 trilyon, na mas mataas ng 3.5 porsyento mula noong nakaraan buwan.

National

‘Anong relasyon?’ Hotel na tinuluyan ni ex-Usec. Cabral, ibinenta umano kay Eric Yap

Bagama't lumaki ang utang, iginiit ng BTr na nananatiling "sustainable" ang kalagayan ng pamahalaan. 

“The national government’s prudent debt management strategy reflects the Marcos Jr. administration’s commitment to safeguarding fiscal sustainability, supporting inclusive growth, and ensuring that every peso borrowed is used to build a stronger economy for the Filipino people."