August 05, 2026

Home BALITA National

₱20 bigas, raratsada na sa buong bansa

₱20 bigas, raratsada na sa buong bansa
Photo courtesy: Department of Agriculture - Philippines/FB

Kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na kasado na ang ₱20 kada kilo ng bigas sa buong bansa sa darating na Agosto 13.

Ibinahagi niya sa isang panayam ng Radyo Pilipinas na ang pag-arangkada raw nito ay para sa mga magsasaka sa ating bansa.

“An additional announcement, kasi gagawin na natin, by August 13, for our rice farmers, we will start selling ₱20 rice to our rice farmers. Kaya ‘yon ‘yong isang tulong natin, mababang presyo ng palay. At least, maka-avail naman sila ng murang bigas,” anang Laurel Jr.

Ayon pa sa  kalihim, handa at nakatuon ang kagawaran sa pagpapataas ng produksyon ng lahat ng mga produktong pang-agrikultura.

“Definitely, the Department of Agriculture (DA) is committed to increasing the production of all our agricultural commodities. Pababain din ang presyo sa merkado for our consumers,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions para sa Huwebes, Agosto 6

Nilinaw rin niyang nasusunod naman ng kagawaran ang lahat ng kanilang plano, asahan lamang daw na mararamdaman sa darating na Pasko ang “fruits of labor” nito.

Vincent Gutierrez/BALITA